haay, sa wakas may sarili na akong blog site! ehem, ehem, ehem, sa wakas pati cyberspace na invade ko na rin!dito ko ibuhos sa blog site ko lahat ng mga iniisip ko na alam ko eh makakatulong din sa makakabasa. Aba naman pantas yata ako (joke!).
sa totoo lang nakakayamot isipin na maraming science teachers ang tumatakas sa pinas! sayang sila pa naman yung magagaling! well, din ko naman sila masisi pero nakakainis isipin na kailangan sila dito! oo, mahirap ang maging guro dito sa pinas, 'ano! imagine, teaching 60 to 70 students! hello! at ang sahod? kung dito mo ibatay ang survival mo bilang guro eh sa totoo lang wala ka talagang choice but to go abroad! now, you might be asking: o bakit ikaw, dito ka pa rin at patuloy na nagtuturo?. sa totoo lang, masarap magturo sa pinas! challenging at dito mo makikita na you're making a difference sa buhay ng mga students mo especially kapag na inspire mo sila! hindi naman sa lahat ng pagkakataon pera ang nagbibigay sa tao ng kaligayahan. para sa akin making a big difference sa buhay ng mga students ko as science teacher ay isa ng mabigat na dahilan to stay for good.
second reason why i chose to stay here in the philippines is i want to cultivate a culture of science research among high school students. engaging and motivating students to get involve in doing investigative project is my passion. i find great fullfilment doing research. it is one of the many gifts i received from God. i want to share it to my student.
marami pang dahilan kung bakit pinili kong manatili dito sa pinas! naniniwala ako na malaki pa ang pag-asa ng bansang ito upang umunlad at gumanda ang buhay ng mamamayan nito. oo na, maraming nakakainis dito. hay naku, napakarami! pero ako, di ko tinitingnan ang pinas sa perspective na 'yon! nung nag field trip kami sa UPLB last march dun ko nakita ang potential ng bansang ito in terms of its natural resources, particularly human resource, para umunlad!
lastly, nakakatawa pero, sa totoo lang, yung mga bagay na "pangit", nakakainis at "kasuklam-suklam" sa maraming pinoy eh ang tingin ko pa nga eh sila yung nagbibigay ng "anghang" sa buhay ng bawat isa sa atin dito na naiiwan! hindi ko naman sinasabi na ipagpatuloy amg mga yun, ano? of course, dapat lang mawala na yun. siguro nga nag ievolve pa ang society natin!
Saturday, June 9, 2007
Subscribe to:
Posts (Atom)